Dadagdagan ang alokasyon ng COVID-19 vaccines kasunod ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ni National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer Secetary Vince Dizon, nasa 4 milyong doses ng bakuna ang idadagdag base sa hiling ng Metro Manila mayors.
Sa naturang bilang, 2.5 milyong doses ng bakuna ang ilalaan sa mga na sakop ng NCR plus.
Bukod dito, hiniling ng NTF na paglaanan ng bakuna ang mga residenteng hindi kasama sa anumang vaccination priority group.
Nilinaw naman ni Dizon na sapat ang suplay ng bakuna sa NCR kaya’t walang magiging problema kung marami ang nais mabakunahan kontra COVID-19.
Magugunitang, tiniyak ng Palasyo na hindi maaapektuhan ang vaccination rollout sa kabila ng pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila.