Nagbalik na sa normal ang operasyon ng Maynilad Water Services makaraang magpakawala ng tubig ang Angat dam sa Bulacan.
Ito’y matapos suspendehin ng Maynilad ang paglilimita sa sinusuplay na tubig sa mga kabahayang sakop ng kanilang sineserbisyuhan.
Ayon kay Ronaldo Padua, Supply Operations Head ng Maynilad, wala pa silang natatanggap na abiso mula sa National Water Resources Board o NWRB kung gaano ang ibibigay nilang alokasyon sa huling 15 araw ng Disyembre.
Magugunitang nilimitahan ng mga water concessionaire ang kanilang alokasyon sa tubig bilang pag-iingat na rin sa matinding epekto ng El Niño na mararamdaman sa susunod na taon.
By Jaymark Dagala