Binigyang diin ng National Water Resources Board na ang desisyon sa alokasyon ng tubig ay nakabatay sa sitwasyon ng water level sa angat dam, na kasalukuyang nasa 189.6 meters.
Ito ang inihayag ni NWRB Executive Director Dr. Sevillo David Jr., sa eksklusibong panayam ng DWIZ, na posible pang maibigay ang pangangailangan ng mga residente sa Metro Manila maging sa mga irigasyon.
Ayon kay Executive Director David, dapat maikunsidera ang epekto ng El Niño sa bansa na inaasahang tatagal hanggang sa susunod na taon kung saan, target ipagpatuloy ang pagrelease ng tubig sa Anggat Dam.
Sinabi pa ni Dr. David, na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng kanilang ahensya sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System, mga water concessionaires, at iba pang ahensya ng gobyerno kaugnay sa alokasyon ng tubig upang maiwasan ang water interruption at matugunan ang pangangailangan ng mga residente.
Nanawagan din sa publiko ang opisyal, na magtipid sa paggamit ng tubig upang maiwasan ang malalang epekto ng El Niño sa bansa.