Posibleng magbawas ng alokasyong tubig ang National Water Resources Board sa Manila Water at Maynilad simula sa January 16.
Ang naturang pagbabawas ay dahil sa inaasahang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam na maaaring magdulot ng kakapusan ng supply at water service interruptions.
Sinabi ni Executive Director Sevillo David, nasa 2 cubic meter per second ang posibleng ibawas sa alokasyon para sa metropolitan waterworks and sewerage system na nagbabahagi ng tubig sa water concessionaires na Manila Water at Maynilad.
Ipinabatid naman ng manila water na pag-aaralan nila kung magsasagawa ng water interruption kapag tuluyan nang mabawasan ang alokasyon.
Bukod dito, naglatag din ang manila water ng mga solusyon para masigurong may sapat na tubig tulad na lamang ng water treatment plant at dagdag na supply mula sa la mesa dam.
Habang sinabi rin ng maynilad na mayroon din silang treatment plants at kukuha ng dagdag na tubig sa mga ilog sa Cavite.