Mananatili sa 36 cubic meter per second ang alokasyon ng tubig ng MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System mula Angat Dam hanggang sa susunod na linggo.
Ito ay ayon sa NWRB o National Water Resources Board dahil sa patuloy pa ring pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam sa kabila ng mga pag-ulang dala ng habagat.
Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr.,batay sa kanilang datos nasa 158.15 meters na ang sukat ng Angat Dam, bumama pa ng point 25 meters mula sa 158.40 meters kahapon ng umaga.
Umaasa si David na makatutulong sa lebel ng Angat Dam ang mga mararanasang pag-ulan hanggang sa susunod na linggo.
Tiniyak naman ni David na agad nilang ibabalik sa 46 cubic meter per second ang alokasyon ng MWSS oras na gumanda na ang sitwasyon sa Angat Dam.