Posibleng madagdagan na ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila sa susunod na buwan.
Ayon kay NWRB Dir. Sevillo David Jr., inaasahang tataas ang lebel ng tubig sa Angat Dam kasabay ng mga parating na pag-ulan.
Aniya kung magtutuloy-tuloy ito at magkaroon ng malaking pagtaas ng lebel ng tubig sa dam hanggang sa huling linggo ng buwan, magpapatupad na sila ng adjustment sa Agosto.
Batay sa pinakahuling pagtaya ng PAGASA Hydrometeorology, halos isang metro ang naidagdag na tubig sa Angat Dam sa kahapon.
Mula sa mahigit 160meters, umakyat na sa 161.08meters ang lebel ng tubig sa Angat.