Mananatiling normal ang suplay ng tubig mula sa Angat dam sa Metro Manila sa buong buwan ng Mayo.
Tiniyak ito ni Dr. Sevillo David Jr., executive director ng National Water Resources Board (NWRB), sa gitna na rin nang patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat dam dahil sa kawalan ng pag-ulan na dulot din ng umiiral na El Niño phenomenon.
Mayroon na aniyang technical working group na nag-aaral sa posibilidad ng pagbabawas ng alokasyon sa domestic use sa NCR para sa buwan ng Hunyo.
Subalit sinabi sa DWIZ ni David na babawasan ang suplay ng tubig sa irigasyon mula Mayo 1 hanggang Mayo 15 kung kailan naman tuluyang sususpindihin ang suplay ng irigasyon dahil simula na ng panahon ng anihan.
’Yun pong sa Metro Manila ‘yung alokasyon po, buo po ‘yon, wala pong kabawasan para sa buwan ng Mayo at ‘yung irigasyon po ay magbabawas po from 35cubicmeters per second ay bababa poi to ng 10cubicmeters per second po average para sa buwan ng Mayo po.” ani David.