Muling tatapyasan ang alokasyon para sa irigasyon mula sa Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan simula Mayo 1.
Ito, ayon sa National Water Resources Board, ay dahil magsisimula na sa Mayo ang anihan.
Inihayag ni NWRB Executive Director Sevillo David Jr na babawasan ng 10 cubic meters mula sa kasalukuyang 35 cubic meters ang alokasyon para sa irigasyon.
Nilinaw naman ni David na hindi naman malaking volume ng tubig ang kailangan ng mga magsasaka kaya’t maaari pang magbawas ng supply.
Gayunman, posibleng umabot sa critical level na 180 meters ang tubig sa Angat Dam hanggang katapusan ng Abril dahil sa tagtuyot dulot ng El Niño phenomenon.