Handa na ang Phiippine National Police (PNP) para isalang sa pagbabakuna ang mga Pulis sa ilalim ng A4 priority category makaraang matanggap na nito ang bagong alokasyon mula sa Department of Health.
Ayon kay PNP spokesman, P/BGen. Ronaldo Olay, bukas, Hunyo 15 muling sisimulan ang pagbabakuna sa kanilang hanay ganap na ala- 9:30 ng umaga.
Pangungunahan ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang pagpapaturok ng bakuna at susundan naman ito ng mga miyembro ng Command Group ng PNP.
Una rito, inatasan ni Eleazar ang kanilang mga tauhan na nasa lokalidad na makipag-ugnayan pa rin sa kanilang mga lokal na Pamahalaan upang agad maisalang sa pagbabakuna.
Batay datos ng PNP, aabot sa 17,000 mga Pulis ang nabakunahan na ng unang dose habang 11,000 naman dito ang nakakumpleto na ng ikalawang dose. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)