Panasamantalang ititigil ng PNP ang kanilang vaccination program matapos na maubos kahapon ang 1200 dose ng Sinovac vaccine na inilaan para sa kanila.
Ito ang inihayag ni PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar.
Ayon kay Eleazar, wala pa silang impormasyon kung kelan uli makakatanggap ang PNP ng panibagong supply ng bakuna at kung may nakalaan s mula sa bagong-dating na bakuna ng AstraZeneca.
Sa unang 1200 na dose ng Sinovac vaccine na natanggap ng PNP, 1196 ang kanilang nagamit, at apat ang “spoiled” dahil sa manufacturing defect.
Una nang sinabi ni Eleazar makalipas ang 28 araw ay kakailanganin nilang turukan ng pangalawang beses ang unang 1196 nilang tauhan na naturukan ng Sinovac vaccine, at may inaasahan silang darating na supply para dito. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)