Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang panulang maglulunsad ng Alternative Learning System – Community Learning Center (ALS-CLC) sa bawat lungsod at munisipyo sa bansa.
Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian may akda ng panukalang Alternative Learning System Act na mas maraming Pilipino ang magkakaroon ng pagkakataong matapos ang kanilang pag-aaral kung bawat lungsod at munisipyo sa bansa’y mayroong sariling ALS-CLC.
Malaki aniyang hamon ang ALS lalo na sa panahon ng COVID-19 pandemic at naghahanda na ang mga paaralan sa muling pagbubukas ng klase.
Tiniyak ni Gatchalian na gagamitin ng als ang iba’t-ibang paraan ng pagtuturo na kailangan sa ilalim nang tinaguriang the new normal tulad ng digital learning, modular instruction at pag-aaral gamit ang radyo at telebisyon.
Batay sa may 2018 Philippines education note ng World Bank mayroong humigit kumulang 24-M Pilipino na 15 tang gulang pataas ang hindi nakapagtapos sa high school at mahigit 2-M mga kabataan may edad lima hanggang 14 ang hindi nag-aaral.