Nagsumite ng panukalang batas si Senadora Risa Hontiveros para sa alternatibong istratehiya na magrerespolba sa suliranin sa iligal na droga.
Sa ilalim ng Senate Bill 1313 o Barangay Health and Rehabilitation Strategy Act of 2017, sinabi ni Hontiveros na layong ipatupad ang isang komprehensibong public health approach sa drug policy ng gobyerno at magtayo ng barangay-based programs and services sa tutugon sa drug-related issues.
Ayon kay Hontiveros, hindi na dapat muling ipatupad ang Oplan Tokhang sapagkat naging mapang-abuso ang kampanya kontra iligal na droga ng administrasyong Duterte dahil dito.
Giit ni Hontiveros, maitutuiring din na pag-amin na hindi epektibong paraan ang Oplan Tokhang sa pagresolba sa iligal na droga nang suspindihin ito.
By Avee Devierte | Report from Cely Bueno