Inaasahang darating na sa huling linggo ng Hunyo ang unang shipment ng alternatibong petrolyo na maaaring ibenta ng mga kumpanya ng langis.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, dahil dito ay madaragdagan na ang imbak ng petrolyong ibebenta sa bansa.
Ipinaliwanag ni Cusi na kailangan ang sapat na imbak ng langis lalo’t nananatili pa rin aniya ang sigalot sa pagitan ng mga bansang pinag-aangkatan ng Pilipinas gaya ng Venezuela at Iran, habang mas mahal naman ang presyuhan ng langis sa Europa.
Samantala, plano namang gawing imbakan ng paparating na alternatibong petrolyo ang storage facility sa Subic, Quezon at iba pang lalawigan sa bansa.
—-