Inanunsiyo ng Civil Service Commission (CSC) na gagawing permanente ang alternative at flexible work arrangement para sa mga tanggapan ng gobyerno.
Base sa CSC Memorandum Circular no. 18 series of 2020 ang alternative at flexible work arrangement ay epektibo lamang hanggat mayroong public health emergency, na nakatakdang matapos sa Setyembre ngayong taon.
Ayon naman kay Commissioner Aileen Lizada, imbes na work-from-home ay maaaring ipatutupad ang flexi-workplace kahit wala nang pandemya.
Samantala sakop ng flexi-workplace ang Work-From-Home, skeletal workforce, 4-day compressed workweek, staggered working hours. — sa panulat ni Mara Valle