Papayagan ng Department of Education (DepEd) ang paggamit ng alternative delivery mode para sa mga paaralan na napinsala ng bagyong Paeng.
Ito ang sinabi ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa sa mga paaralan na hindi pa rin kayang tumalima sa mandatory in person classes.
Maliban dito, marami pa rin aniyang eskwelahan ang hindi pa nalilinis at ginagamit pang evacuation center.
Ang alternative delivery mode ay ang paggamit ng module na pasasagutan sa mga bata na maaaring hard copy o digital depende sa lokasyon nito.
Maikokonsidera din umano itong blended learning dahil oras na maayos naman ang paaralan ay babalik na sila sa full implementation ng face-to-face classes.