Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang naglalayong magtatag ng alternative learning system (ALS) sa basic education.
Layon ng House Bill No. 6910 o ang Alternative Learning System Act na magkaroon ng alternatibo sa umiiral na formal education sa bansa.
Ito’y para maabot ng edukasyon ang out of school children, adult learners kabilang ang madrasah at mga katutubo.
Sa ilalim ng panukala, mandatong magkaroon ng kahit isang ALS community learning center sa bawat municipalidad o siyudad sa bansa.
Inaatasan din ng panukalang batas na magtatag ng Bureau of Alternative and Lifelong Education (BALE) na magsisilbing sentrong tanggapan para sa implementasyon ng als programs sa ilalim ng Department of Education.
Ang BALE ang nakatalagang bumuo ng mga polisiya, curriculum development, learning program delivery at learning materials para sa nasabing programa.