Paiigtingin pa ng Department of Education (DepEd) ngayong school year ang pagpapatupad ng alternative learning system (ALS).
Pasok na rin dito ang pagtuturo sa mga dating out of school youth.
Ayon sa DepEd, maliban sa mga major subject na itinututro gaya ng Math, Science at History, ngunit ngayon ay idadagdag na ang skills training sa ALS.
Ilan sa mga technical skills na ituturo ay baking, bartender at electronic and welding, wellness and agriculture, dressmaking and carpentry.
Handa naman ang DepEd na maglaan ng mga bagong pasilidad para sa idadagdag na skills training.