Kinastigo ng alternative media outlets ang militar at ilang ahensya ng gobyerno na anila’y nasa likod ng cyber attacks sa websites nila.
Kasunod na rin ito nang pagbubunyag ng Sweden based media foundation na Qurium hinggil sa natanggap na denial attacks nuong isang buwan sa pages ng bulatlat, altermidya at karapatan.
Nadiskubreng Mayo 18 nang magsagawa ng vulnerability scan sa bulatlat.com ang isang makina ng dost na natukoy na Philippine Research, Education and Government Information Network.
Natukoy din ang IP address at firewall gayundin ang email address na naka rehistro sa Philippine Army sa Taguig.
Una nang iginiit ng bulatlat na politically motivated ang nasabing cyber attack sa kanilang website at nasayang ang buwis ng taumbayan sa nasabing hakbangin.
Kasabay nito ang apela sa gobyerno ng media outlets na itigil na ang cyber attack.