Inihayag ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang alternative working arangement lalo’t dumadaing na ang marami kasunod ng girian sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Ito’y ayon kay ECOP president Sergio Ortiz Luis-Jr. na puwede namang magpatupad ng ibang set-up sa pagtatrabaho tulad na lamang ng work from home.
Gayunpaman aniya, nakadepende pa rin sa operasyon ng isang industriya ang pagpapatupad nito dahil may mga trabaho na kailangang nasa on-site ang mga manggagawa.
Aniya, marami na ang puwedeng pumasok lalo na ‘yung mga nasa Metro Manila ngunit ang problema aniya ay ang mass transportation at ang traffic sa bansa.