Mas maiging bumalangkas ng polisya upang maging isang opsyon ang overseas employment sa halip na ipatupad ang partial lifting ng deployment ban ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait.
Ito ang inihayag ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines sa kabila ng partial lifting ng deployment ban, kahapon.
Ayon kay ALU-TUCP Spokesman Alan Tanjusay, bagaman katanggap-tanggap ang pangingibayong-dagat, umaasa sila na balang-araw ay hindi na kailangang hikayatin ng pamahalaan ang mga Pinoy na mag-trabaho sa ibang bansa.
Magugunitang ipinatupad ang partial lifting ng deployment ban matapos lagdaan ang memorandum of understanding o MOU sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait para sa proteksyon ng mga OFW.
—-