Umapela ang Grupong Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) sa gobyerno na isama ang mga manggagawa sa vaccination program kontra COVID-19 ng pamahalaan.
Ayon kay Allan Tanjusay, tagapagsalita ng grupo, pinag-uusapan na at isinasapinal na nila ang kanilang kahilingan sa gobyerno na huwag kalimutan ang kapakanan at kaligtasan ng mga manggagawa sa bansa.
Lalo na aniya ang mga manggawang nasa sektor ng agrikultura, manufacturing at iba pang essential services dahil sila ang maituturing na mga kabilang sa pinaka expose sa COVID-19.
Target ng gobyerno na simulan sa susunod na taon ang COVID-19 vaccination program.