Hindi umano iniimpluwensyahan ni House Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas ang Makabayan Bloc sa pagboto pabor sa death penalty bill.
Ayon ito kay Congressman Ariel Casilao.
Alam na, aniya, nina Alvarez at Fariñas ang mariing pagkontra ng Makabayan Bloc sa usapin ng panukalang pagbuhay muli ng parusang kamatayan.
Samantala, sinabi naman ni Congressman Antonio Tinio na sinasalungat ng kanilang grupo ang nasabing panukala dahil minsan nang ginamit ang death penalty law sa political represssion.
Maaari aniyang maulit iyon kaya ginagawa nila ang lahat upang hindi muling mabuhay ang death penalty sa bansa.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc