Bukas si House Speaker Pantaleon Alvarez sa ideyang palawigin ang Martial Law sa Mindanao hanggang sa pagbaba sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
Paliwanag ni Alvarez, ito ay upang mas mapabilis ang pagsasaayos sa Marawi City.
Naniniwala din ang House Speaker na makakatulong ang Martial Law sa pagtiyak ng panunumbalik ng kapayapaan at seguridad ng lungsod.
Nilinaw naman ni Alvarez na ito ay kanya lamang personal na opinyon at hindi posisyon ng Kongreso.
Sinabi pa nito na wala naman dapat ipangamba ang mga mamamayan ng Luzon at Visayas dahil tanging sa Mindanao lang naman aniya iiral ang Batas Militar.
By Ralph Obina
Alvarez bukas na palawigin ang Martial Law hanggang 2022 was last modified: June 17th, 2017 by DWIZ 882