Hindi ikinababahala ni House Speaker Pantaleon Alvarez kung mawala ang suporta ng ilang miyembro ng Kamara de Representantes kahit pa tinanggalan ng pwesto ang mga ito sa mababang kapulungan ng kongreso dahil sa pag-kontra sa death penalty bill.
Ito, ayon kay Alvarez, ay kahit pa mawala sa kanya ang House Speakership kasabay ng kanyang idineklarang balasahan sa Kamara.
Inatasan ng House Speaker si Majority Floor Leader at Ilocos Norte Rep. Rudy Fariñas na ipatupad ang nabanggit na revamp.
Ipatutupad din anya ni Alvarez ang kahalintulad na polisiya sa iba pang PET Bills tulad ng panukalang ibaba ang minimum age ng criminal responsibility sa 9 na taon.
Kabilang sa mga tinanggalan ng pwesto sina dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Arroyo, bilang Deputy Speaker; Lipa City, Batangas Rep. Vilma Santos-Recto bilang Chairperson ng Civil Service and Professional Regulation Committee;
Sorsogon Rep. Evelina Escudero bilang Basic Education and Culture Committee Chairperson at Quezon City 6th District Rep. Jose Christopher Belmonte bilang Land Use Committee Chairman.
Alvarez nagbantang pababayaran kay Sec. Tugade ang multa kapag hindi natuloy ang MRT common station
Nagbanta si House Speaker Pantaleon Alvarez na pababayaran kay Department of Transportation Secretary Art Tugade ang multa na posibleng ipataw kapag hindi natuloy ang proyektong MRT common station.
Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, sinabi ni Alvarez na hindi sinunod ng Department of Transportation ang unang model ng common station na ginawa noong 2014 na mas mura.
P520-M lamang ang nasa 2014 model habang nagkakahalaga ng mahigit P200-B ang modelong iginigiit ni Tugade.
Sinabi ni Alvarez na walang pampondo ang pamahalaan sa ganoong halaga ng common station dahil overpriced.
Kapag hindi, aniya, pinondohan ng kongreso ang proyekto, tiyak na magrereklamo ang ka-kontrata ni Tugade at posibleng makasuhan ang gobyerno.
By Drew Nacino |With Report from Jill Resontoc