Itinanggi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mayroong bonus o extra projects ang mga kongresistang bumoto pabor sa death penalty bill.
Kaugnay nito, itinanggi rin ni Alvarez na nagkaroon ng lamat sa samahan ng supermajority coalition sa Kamara matapos ang botohan sa nasabing panukalang batas.
Tiniyak ng House Speaker na buo pa rin ang supermajority coalition sa Kamara sa kabila ng mga magkakaibang prinsipyo sa usapin ng pagpapabalik sa parusang kamatayan.
Una nang sinabi ni Congressman Edcel Lagman na nagkaroon ng crack ang supermajority coalition sa Kamara dahil sa death penalty bill.
By Avee Devierte |With Report from Jill Resontoc