Kinumpirma ni House Speaker Pantaleon Alvarez na may inendorso siyang isang empleyado ng BOC o Bureau of Customs para sa promosyon pero iginiit niyang hindi niya ito nila-lobby.
Una nang isiniwalat ni Atty. Mandy Anderson, head executive assistant ni BOC Commissioner Nicanor Faeldon na nakatanggap siya ng request mula kay Alvarez.
Subalit nang i-review niya ang qualifications ng isang Sandy Salucti ay natuklasan niyang hindi ito qualified.
Inamin naman ni Alvarez na marami siyang inirerekomendang tao para sa ilang posisyon pero hindi aniya ito maituturing na lobbying.
- Gilbert Perdez