Nagbanta si Speaker Pantaleon Alvarez na maghahain ng impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Inihayag ito ni Alvarez sa Maasin City, Southern Leyte kung saan pinangunahan niya ang panunumpa ng mga bagong miyembro ng PDP-LABAN o Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan.
Ayon kay Alvarez, ito ay kung mapatutunayan na inutusan ni Sereno ang tatlong Court of Appeals justices para i-defy ang show cause order na humihiling ng paliwanag sa mga mahistrado ng CA kung bakit hindi sila dapat na ma-cite for contempt kasunod ito ng kanilang ipinalabas na petition for habeas corpus sa tinawag na Ilocos 6.
Aniya, kung ito nga ay ginawa ng Punong Mahistrado ay pagpapasyahin nila sa Kamara ang pagsasampa ng impeachment complaint laban dito.
Samantala, sa nasabi ring pag titipon ay sinabi ni Alvarez na hindi na tuloy ang barangay at SK elections ngayong taon.
Aniya, pag-uusapan pa sa Kongreso kung kailan itatakda ang na-postponed na eleksyon.
By Rianne Briones
Alvarez nagbantang maghahain ng impeachment vs. CJ Sereno was last modified: July 3rd, 2017 by DWIZ 882