Nangako si House Speaker Pantaleon Alvarez na maglalaan sila ng pondo para sa public safety projects sa Siargao.
Kasunod ito ng viral Facebook post ng broadcaster na si Karen Davila na inireklamo ang kawalan ng medical facilities sa isla matapos maaksidente ang kanyang anak at walang mahagilap na first-aid team sa lugar.
Ayon kay Alvarez, nagkasuap na sila nina Surigao Del Norte Governor Sol Matugas at Congressman Francisco Jose Matugas para tugunan ang kawalan ng medical facilities sa isla na pinuna ni Davila.
Giit ng house speaker, trabaho ng mga lokal na pamahaalan na matiyak ang kaligtasan ng mga lokal na residente at ng mga turista sa kanilang nasasakupan.