Itinanggi ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang espekulasyong may nakapaloob na term extension ng Pangulong Rodrigo Duterte sa isinusulong na charter change o Cha-cha sa Kongreso.
Ayon kay Alvarez, mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabing nakahanda itong bumaba sa puwesto bago ang 2022, kung kinakailangan para bigyang daan ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno patungong pederalismo.
Kasabay nito, muling inulit ni Alvarez ang posibilidad ng no election sa 2019 dahil kinakailangang magkaroon ng transitory period kapag natuloy ang pagbabago sa sistema ng gobyerno.
Aniya, posible namang magkaroon ng halalan para sa mga Congressman at mga lokal na opisyal sa 2019 dahil tatlong (3) taon lamang manunungkulan ang ito hindi tulas sa mga Senador na may anim (6) na taong termino.
Maaari naman aniyang isagawa ang eleksyon para sa lahat ng posisyon sa 2022.