Pinagbibitiw na sa pwesto si House Committee on Legislative Franchise Chairman Franz Alvarez dahil sa nakabinbin na renewal ng prangkisa ng ABS – CBN network.
Ito ang naging panawagan ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza kasunod ng paghahain ng quo warranto case ng office of the solicitor general laban sa ABS – CBN.
Sinabi ni Atienza na walang aksyon si Alvarez sa 11 panukala na nagsusulong na mai-renew ang prangkisa ng naturang kumpanya.
Binigyang diin ni Atienza na malaki man o maliit ang prangkisa ay trabaho ng Kamara na pagdebatihan ito sa komite.
Nanawagan pa ang mambabatas sa liderato ng kongreso na itaas ang integridad ng Kamara at proteksiyonan ang interes ng buong bansa. — ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)