Idedeklarang bakante simula sa Mayo, ang posisyon ng Deputy Speaker at Chairmanship ng mga komiteng hawak ng mga mambabatas na bumoto ng “No” sa ikatlo at huling pagbasa ng panukalang pagbuhay sa parusang bitay.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, tumatanggap na rin ng nominasyon si Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, mula sa mga miyembro ng super majority.
Tikom naman ang bibig ng Speaker hinggil sa magiging kalagayan ni Deputy Speaker Gloria Arroyo.
By Katrina Valle |With Report from Jill Resontoc