Palalakasin ng Lakas–Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) party at Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte – Carpioang kanilang alyansa sa gitna ng nalalapit na 2022 national elections.
Ito ang kinumpirma ni Lakas – CMD President at House Majority Leader Martin Romualdez, makaraang tukuyin siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kandidatongsusuportahan kung tatakbo sa pagka-bise presidente.
Bagaman medyo maaga pa upang pag-usapan, aminado si Romualdez na ikinukunsidera na niya ang muling pagsabak sa national elections.
Magugunitang binisita ng kongresista mula Leyte Romualdez si Duterte-Carpio sa Davao City upang batiin ang alkalde sa kaarawan nito, noong mayo pero hindi idinetalye ng mambabatas ang naging nilalaman ng pag-uusap nila ng presidential daughter.
Kinumpirma rin ni Romualdez ang kanyang pakikipag-pulong kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at mga pinsang sina Senador Imee Marcos at dating Senador Bongbong Marcos, noong Lunes. —sa panulat ni Drew Nacino