Naniniwala si Outgoing US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg na hindi mabubuwag ang alyansang Pilipinas at Amerika
Sinabi ni Goldberg na malaking patunay sa tibay ng relasyon ng dalawang bansa ang mga kasunduan tulad ng VFA o Visiting Forces Agreement
Naging daan aniya ang VFA sa pagtutulungan ng Pilipinas at Estados Unidos sa tuwing may kalamidad, sa kampanya kontra illegal drugs at terorismo bukod pa sa pangunahing layunin ng nasabing kasunduan na magtulungan ang mga sundalong Pinoy at Amerikano
Tumanggi namang mag komento si Goldberg sa patuloy na pagbatikos sa Amerika at kay US President Barack Obama
By: Judith Larino