Lumutang sa tanggapan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) si alyas “bikoy”, ang nasa likod ng “ang tunay na narcolist” video na kumalat sa internet.
Matatandaan na pinangalanan sa video ni “bikoy” ang mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte at dating special assistant to the president Bong Go na kabilang sa sindikato ng droga.
Sa isang press conference, nagpakilala si “bikoy” bilang Peter Jomel Advincula.
Wala umano syang kaugnayan sa sinumang pulitiko o partido pulitikal subalit marami syang kakilala sa media na isinama ng Pangulong Duterte sa inilabas nyang out duterte matrix.
Ayon kay “bikoy”, hindi nya kilala ang lumantad na uploader ng video na si Rodel Jayme.
Nagpasya anya syang lumantad dahil sa banta sa kanyang buhay at tawag na rin ng konsensya.
Nagpasya syang magpatulong sa grupo ng mga madre na syang nagdala sa kanya sa IBP.
Nakatakdang magsumite si alyas “bikoy” ng kanyang sinumpaang salaysay sa IBP para sa kanyang pangangailangang legal.
with report: Jaymark Dagala (Patrol 9)
NCLA, pagaaralan kung tatanggpin bilang kliyente si alyas “Bikoy”
Pag-aaralan pa ng National Center for Legal Aid (NCLA) ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) kung tatanggapin bilang kliyente si Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy”.
Ayon kay Atty. Abdiel Fajardo, National President ng IBP, nabigla rin sila sa pagdagsa ng media sa kanilang tanggapan kasunod ng pagdulog ng isang kliyente sa NCLA.
Ang NCLA anya ay binuo ng IBP upang tumulong sa mga nangangailangan ng tulong legal katulad ng ginagawa ng Public Attorneys Office.
Autonomous po ‘yung NCLA po namin. Sila ang nageevaluate talaga ng kaso and (…) I, myself, personally, ‘di ba, who is not the lawyer of this person cannot, you know, interfere with that relationship, if ever NCLA accepts the client.” ani Atty. Fajardo.