Pangarap ng bawat magulang na ma-witness ang kasal ng kanilang mga anak, katulad na lang ng ama ng isang bride na ikinasal noong February ngayong taon na sinikap pa ring makadalo sa kasal ng kaniyang anak kahit na may iniinda itong sakit.
Kung ano ang buong kwento, alamin.
Sa ginanap na kasal ng bride na si Daren Tuazon nitong February 17 ay natupad ang pangarap ng kaniyang ama na si Danilo na maihatid siya sa altar.
Sa isang pahayag, ikinuwento ni Daren na palagi raw nagtatanong ang kaniyang daddy tungkol sa kasal at excited na raw itong makita ang mga apo na nakasuot ng amerikana at damit pang-flower girl, dahil siya ang bunso at nag-iisang anak na babae.
Ayon kay daren, pabalik-balik na raw sa ospital ang kaniyang daddy Danilo dahil sa sakit nito sa puso bago naging bedridden noong disyembre nitong nakaraang taon.
Ilang araw naman bago ang kaniyang kasal ay muling dinala sa ospital ang ama at labis daw ang pag-aalala ng kanilang pamilya, ngunit sa isang pambihirang pangyayari ay naging maayos ang vital signs nito kung kaya naman nakasama pa ito sa simbahan.
Ganoon na lamang ang pasasalamat ni daren dahil kahit nawala na ang kaniyang ina noong 2020 ay nakasama pa rin ang kaniyang ama sa malaking milestone sa kaniyang buhay.
Pagdating naman sa araw ng mismong kasal ay natupad ang pangarap ng kaniyang daddy danilo dahil naihatid nito si daren sa altar habang sakay ito ng stretcher.
Ngunit sa kasamaang palad ay pumanaw si Danilo makalipas lang ang ilang linggo nang ikasal si Daren.
Ayon sa bride, mapayapang namaalam ang kaniyang daddy at lubos siyang nagpapasalamat sa kaniyang pamilya at understanding at hands on na asawa.
Humingi naman ng gabay si Daren at nagpasalamat sa lahat ng sakripisyong ginawa nito para sa kanilang pamilya.
Ikaw, anong masasabi mo sa nakakaantig na kwento na ito?