Patay ang isang barangay kagawad at ama ni Alcala, Pangasinan Mayor Jojo Callejo matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin, kahapon.
Kinilala ang biktimang si Mario Callejo, 61 taong gulang at kagawad sa barangay Gualsic na nagtamo ng mga tama ng bala sa balikat, braso at tagiliran.
Ayon sa Pangasinan Provincial Police Office, lulan ang biktima ng kaniyang pick-up nang pagbabarilin ng mga lalaking sakay ng dalawang motorsiklo.
Papunta sana ang biktima sa isang ginagawang tulay kung saan siya ang contractor.
Inaalam na ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaslang habang patuloy na pinaghahanap ang mga salarin.