Hawak na ngayon ng mga awtoridad ang ama ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute na siyang nasa likod ng pag-atake at pagkubkob sa Marawi City.
Ayon kay Davao Police Chief Sr/Supt. Alex Tagum, naaresto ng mga operatiba ng Task Force Davao si Casamora Maute sa isang check point sa Barangay Sirawan, Toril District sa Davao City.
Kasama ng nakatatandang Maute ang isa sa kaniyang asawa na kinilalang si Farhana, anak na lalaki at manugang na kinilalang si Benzarali Tingao.
Sinasabing pagmamay-ari umano ni Casamora ang bahay sa Marawi City kung saan narekober ang may 52 Milyong Pisong cash at mge tseke na nagkakahalaga ng 27 Milyong Piso.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping / Jonathan Andal