Itinanggi ni Carlito Arnaiz, ama ni Carl Angelo Arnaiz, ang 19 anyos na napatay matapos umanong makipagbarilan sa mga Pulis sa Caloocan City ang alegasyon laban sa anak.
Ayon kay Carlito, hindi siya naniniwala sa pahayag ng mga pulis na unang nagpaputok ang kanyang anak dahil hindi naman ito marunong humawak ng baril.
Dahil dito, dudulog anya sila sa Department of Justice alinsunod sa payo ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta.
Samantala, aminado si Mang Carlito na hindi siya pamilyagr sa isang alyas “kulot” na huli umanong nakasama ng kanyang anak bago ito napatay.
By: Drew Nacino
SMW: RPE