Itinanggi ng ama ng 19 anyos na si Carl Angelo Arnaiz ang ulat na plano umano nitong mang-holdup kasama ang 14 anyos na si Reynaldo “kulot” de Guzman, noong Agosto 18.
Ayon kay Carlito Arnaiz, hindi naman sila “patay-gutom” o naghihirap para manghoholdap ang kanyang anak.
Hindi rin naniniwala ang ina ni De Guzman na si Lina sa kuwento ng kaibigan ng binatilyo na si alyas M.J. at iginiit na hindi nasangkot sa iligal na aktibidad ang kanyang anak.
Iginiit din nina mang Carlito at lina na hindi magagawa ng kanilang mga anak na holdapin ang taxi driver na si Tomas Bagcal sa Caloocan City.
Si Carl ay napatay ng mga pulis sa Caloocan noong Agosto 18 matapos manlaban habang natagpuang patay si Kulot sa isang estero sa Gapan City, Nueva Ecija, noong Miyerkules.
By: Drew Nacino
SMW: RPE