Isiniwalat ng veteran actor na si Rey PJ Abellana ang isa sa posibleng naging problema ng newly weds na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.
Ayon kay Rey, nasangkot kasi sa one night stand ang asawa ng kaniyang anak.
Pero hindi niya raw itong maituturing na isang klase ng third party o infidelity dahil isang beses lamang itong nangyari.
Dagdag pa nito, normal lamang sa isang lalaki ang matukso at naiitindihan niya raw si Tom dahil minsan na itong nangyari sa kanya.
Hindi naman na idinetalye pa ni Rey ang ilan pang impormasyon sa isyu ng one night stand at kung sino ang babaeng sangkot dito.
Sa kabila nito, umaasa pa rin ang aktor na maaayos nina Tom at Carla ang problema sa kanilang buhay mag-asawa. – sa panulat ni Abie Alio-Angeles