Aminado ang ama ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. na kinabahan ito sa dikitang laban ng kaniyang anak kontra kay Cesar Juarez.
Ayon kay Nonito Sr., kanilang ikinagulat ang ipinakitang determinasyon at lakas ni Juarez sa kabila ng malalakas na suntok na tinamo nito mula sa kanyang anak.
Inakala rin nila na susuko na si Juarez makaraang dalawang beses mapasubsob ito ni Nonito sa parisukat na lona.
Gayunman, nanaig pa rin ayon kay Nonito Sr. ang kumpiyansa ng kaniyang anak na dumaan sa matinding pagsasanay na makuha muli ang minsan nang nakamit na titulo.
By Jaymark Dagala