Pabor ang ama at trainer ni 5-division world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa hamon na rematch ni Cesar Juarez ng Mexico.
Ayon kay Mang “Dodong” Donaire, maganda umano na pagharapin muli sina Juarez at ang Filipino Flash.
Ang pinaka-inaabangan na rematch daw ng dalawang boksingero ang siyang ninanais ng Pinoy boxing fans at ng buong mundo.
Magugunitang hinamon ni Juarez ang Pinoy boxer matapos makamit ang knockout victory kontra sa dating undefeated Prince Albert Pagara.
Nakuha ng Mexican boxer ang panalo kontra Pagara sa unang 15 seconds ng round eight, sa harap ng sell-out crowd sa San Mateo Events Center sa California.
By Mariboy Ysibido