Naging emosyonal naman ang ama ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo the Third sa isinagawang hearing sa Senado, kagabi.
Ayon kay Horacio Castillo Junior, mistulang hayop ang naging trato ng mga miyembro ng Aegis Juris fraternity sa kanyang anak.
Nanindigan si Horacio Junior na hindi sila titigil sa paghahanap ng katarungan para kay Atio.
Nais din anya nilang ilahad ng lahat ng sangkot sa krimen ang katotohanan para sa ikapapayapa ng kanyang anak.
Ulat ni Cely Bueno
SMW: RPE