Pumanaw na ang ama ng singer na si Jona Viray.
Sa isang post sa Instagram ngayong Lunes, Oktubre 23, ay ibinahagi ni Jona ang naturang nakakalungkot na balita.
Sa caption ng singer sinabi nitong mami-miss nila ang haligi ng kanilang tahanan at nakiusap din ito sa ama na kausapin siya sa kanyang panaginip.
Dagdag pa ni Jona, sana ay yakapin siya ng ama sa pagtulog.
Nagpahayag din ito ng kanyang pagmamahal sa ama.
Matatandaang noong Oktubre 14 ay nag-post din si Jonas a social media para humiling ng dasal sa publiko para sa kanyang amang nasa ICU noong panahong iyon.
Ito ay dahil ani Jona, higit isang buwan nang nasa ospital ang kanyang ama para sa pagpapagamot sa fungal infection sa ulo nito.
A post shared by JONA (@jona_viray) on