Pumanaw na ang ama ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na si Herminio “Butch” Bautista sa edad na 82.
Ilalagak ang labi ng matandang Bautista sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth Avenue.
Bago nahalal bilang konsehal ng Quezon City noong 1988, naging kapitan muna si Ginoong Bautista sa Barangay Immaculate Conception.
Kaugnay nito, inilagay na sa half-mast ang mga watawat ng Pilipinas sa Quezon City Hall bilang pakikiramay sa pamilya Bautista.
By Meann Tanbio