Nakatakdang sumuko sa mga otoridad ngayong araw o bukas ng umaga ang ama ni Ralph Trangia na itinuturong isa sa mga suspek sa pagkamatay ng hazing law victim na si Horacio Castillo the Third.
Ayon kay Manila Police District Director Csupt. Joel coronel, nakatanggap sila ng surrender feelers mula kay Antonio Trangia.
Ani Coronel , nakatakda ring i – turn over ng nakatatandang Trangia ang sasakyan na umano’y ginamit sa pagdala ng katawan ni Castillo sa Chinese General Hospital.
Samantala , sasampahan ng kaso ng Manila Police District ang mga magulang ni Ralph kasunod ng naturang insidente.
Ito ay matapos mabatid na tinulungan si Ralph ng kanyang ina upang ito ay makalabas ng bansa.
Matatandaang batay sa record ng immigration , lumabas ng bansa si Ralph sakay ng EVA Air Flight BR262 patungong Taipei , Taiwan noong nakalipas na Martes.
SMW: RPE