Pumanaw na ang ama ni Vhong Navarro na si Danilo Navarro.
Naglaan ng ilang segundong katahimikan ang Kapamilya noontime show na It’s Showtime nitong Lunes, Enero 22, para ipagdasal ang namayapang ama ni Vhong.
Nagbigay din ng mga mensahe at pakikiramay ang co-hosts ni Vhong.
Sa ngayon ay wala pang binibigay na pahayag o detalye ang pamilya ni Vhong kung kailan namatay ang kanilang ama.
Samantala, sa huling post ni Vhong nitong Enero 20, ibinahagi nito ang makahulugang mga salita:
Matatandaang noong kaarawan ng It’s Showtime host ay nagbahagi din ito ng larawan nila ng kanyang ama, na may caption na:
Kapit lang, Dad kaya mo yan. Di ka Niya pababayaan… Iloveyousomuch
A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44) on