Isang lalaki ang patay matapos sakalin at pukpukin ng bato ng sarili nitong anak sa Negros Occidental.
Kinilala ang biktima na si Romulo Espenido, 76- anyos at suspek na si Julius Roy, 33- anyos.
Ayon kay Talisay City Police Deputy Chief, Lt. Marion Vincent Buenaflor, dumaing ang suspek na masama ang pakiramdam nito at minasahe naman ng biktima nang bigla nitong atakihin ang kanyang ama at pukpukin ng bato sa ulo.
Wala naman anyang alitan ang mag-ama at napag-alamang wala sa tamang katinuan ang suspek. —sa panulat ni Mara Valle