Ipinasara ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang Ama Rural Bank.
Ang nasabing bangko na pag-aari ng Ama Group of Companies ng businessman na si Amable aguiluz at ika-lima sa pinaka malaking capitalized Rural bank sa bansa ay isinailalim na sa receivership ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).
Ayon sa kanilang latest financial statement ang Ama bank ay may kabuuang assets na 2. 83 billion pesos, may capitalization na aabot sa 1. 04 billion pesos at may kabuuang loan na 2. 06 billion pesos na binubuo ng consumer loans.
Batay sa record ng PDIC ang Ama rural bank ay ika-walong bangko na isinailalim nila sa receivership sa taong ito.