Kinumpirma ng mga apo ng veteran actress na si Amalia Fuentes na na-stroke ito habang nagbabakasyon sa South Korea noong Oktubre 9.
Sa isang official statement na ibinigay ng mga apo ni Amalia sa yumaong anak na si Liezel Martinez, natagpuan umano ang kanilang lola sa kanyang hotel room at agad na isinugod sa ospital sa Seoul.
Na-confine ang beteranang aktres sa ICU ng ilang linggo at nang mag-stabilized na ang kanyang kondisyon ay pinayagan na itong makabalik sa Pilipinas.
Bumalik si Amalia sa bansa noong October 27 at agad na idineretso sa ospital.
Dagdag ng mga apo ni Amalia, posibleng ma-discharge na ang kanilang lola matapos ang dalawang linggo at ipagpapatuloy na lamang ang pagpapagaling sa kanilang tahanan.
Sa ngayon ay nanawagan ang pamilya muhlach at ang mga apo ni Amalia ng dasal para sa mabilis na recovery ng aktres.
By Krista de Dios